Sa araw na ito
Hindi butil ng palay ang ipupunla
Ng mga magsasaka
Kundi butil ng kalayaan
Sa lupa ng pagkaalipin
Sa araw na ito
Hindi isda’t laman-dagat ang bibingwitin
Ng mga mandaragat
Kundi ang kasaganahan
Sa ilalim ng dagat ng kahirapan
Sa araw na ito
Hindi istrukturang kahoy, bato, o metal man
Ang papandayin ng mga manggagawa
Kundi isang pundasyong matatag
Na ipapalit sa mahina’t kinakalawang atin
Sa araw na ito
Hindi tamis ng tubo ang tatamasain
Ng mga sakada
Kundi ang tamis ng katotohanan
Na matagal nang ibinaon sa mga panlilinlang
Manggagamot, kaparian, kabataan, negosyante,
Artista, makata, guro, at estudyante
Iba’t iba man ang ating mga trabaho
Iisa ang mithi natin ngayong Mayo Uno
No comments:
Post a Comment