Tuesday, July 10, 2012

Balagtasan po tayo

Madlang magiliw, kayo po'y aking inaanyayahan!
Panoorin itong bidyo ng eksenang balagtasan


Ay naku po! Saglit lang, o madla na kawili-wili!
'Tong bidyong galing Youtube ay may pangalawang bahagi.

Kay galing! Ako ay lubha na naaliw at namangha
sa sinaunang tagisan ng mabulaklak na salita.
Palitang patula noon, mas nais ko pang makita
kaysa kasalukuyang "flip-top" na puro naman mura.

Sa eksenang 'to, Different Bookstore ang naging bulwagan.
Sana'y aktwal kong nasubaybayan, yaong kaganapan.

Maraming salamat, aking kaibigang manonood!
Baka ako ay palarin sa panahon na susunod.
Sa ngayon, paumanhin 'pag ika'y aking naantala
"Good luck, godspeed, God bless," mga huli kong bati't salita


P.S.:
Ang eksena na ito ay aking natuklas
sa mainam na Word of the Lourd na palabas.
Salamat din kay Youtube user gilbert0que
dahil sa pag-upload n'ya ng bidyo na ire.

No comments:

Post a Comment